Lumaktaw sa pangunahing content

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

 > Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino






Ang Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay batayang aklat sa Filipino sa Senior High School Grade 11. Ito ay binago’t pinagyamang edisyon ng Makabagong Filipino Sa Nagbabagong Panahon (Filipino 1) at Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon (Filipino 2) na parehong limbag ng C & E Publishing, Inc. bilang tugon sa bagong kurikulum na K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd). Inakma ang batayang aklat na ito sa mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon hatid ng mass media at makabagong teknolohiya lalong-lalo na ang malaganap na paggamit ng cellphone, iPad, tablet ng kabataan at ng maraming tao hindi lang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo. Inihahanda ng batayang aklat na ito ang mga mag-aaral sa realidad ng pagbabagong ito at sa kahalagahan ng mabisa, matalino, at kapaki-pakinabang na komunikasyon sa ika-21 siglo. Bukod pa rito, nakadisenyo ang batayang aklat na ito para matutuhan at maranasan ng mga mag-aaral ang paglahok sa mga kolaboratibong gawain at makapaghain ng mga makabagong ideya at solusyon sa mga problemang haharapin nila ngayon at sa hinaharap hinggil sa kanilang personal at propesyonal na buhay, at pakikisalamuha sa lipunan. Bukod sa paghubog sa kanilang kritikal na pag-iisip, mahalaga ring mapagyaman at mapalawak ang malikhain at integratibong pag-iisip ng mga mag-aaral.


Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.



Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 

Nakabatay ito sa mga kasanayan sa pagkatutong itinatakda ng Kurikulum para sa K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon.
Nagtataglay ng mga babasahin, mga gawain, mga pagtataya, at mga pagpapahalagang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili,
nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.





Iba ibang Wika sa Pilipinas .

HALIMBAWA    :







              
                                                                    LOGO :



Proyekto ni : Sir. Arrvic  M. Villegas                                              Ipinasa ni : Mc Bryan C.  Leyson 



                                                                                                  NO PICTURE AVAILABLE ! 😂xD










Mga Komento